Mga taga ibang lugar, pwede nang magpa-bakuna sa Mabalacat city

Bukas na ang Mabalacat city sa pagbabakuna sa mga hindi residente ng kanilang lugar.

Ayon kay Mabalacat city mayor Cris Garbo, tumatanggap na sila ng mga 18 years old pataas na nais magpabakuna mula sa mga kalapit nilang munisipyo at lungsod.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Sa katunayan, meron na silang nabakunahan na nasa apat hanggang limang libo katao, mula sa Bamban, Tarlac, Porac, Magalang at Angeles city.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Mag walk-in lang anya sa Cinema 1 at 2 ng SM Clark tuwing Byernes mula alas otso hanggang alas dose ng tanghali, kung saan ginaganap ang vaccination.