Mga taga Camarines Norte na kukuha ng Civil Service Exam sa Marso hindi na kailangang pumunta ng Naga City

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Civil Service Commission Regional Office V na magkakaroon ng Career Service Examination- Pen and Paper Test (CSE- PPT), Professional at Sub- Professional levels sa Marso 13 nitong taon.

Ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ng naturang exam makaraang maunsyami ang dapat sana ay March 2020 examination dahil sa COVID- 19 pandemic.

Ang maganda ngayon ay hindi na kailangang magtungo pa sa Naga City o sa ibang lugar ang mga taga Camarines Norte para lang kumuha ng naturang examinations.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ayon kasi sa CSC Provincial Field Office gagawin na dito sa probinsiya ang examinations pero wala pang napipiling lugar sa ngayon.

Wala ring pahayag pa ang naturang opisina kung ilan ang target na bilang ng examinees.

Batay kasi sa kalatas ng CSC Region V hindi lahat ng nagnanais na kumuha ng exam ay mapagbibigyan dahil agency requests lang ang accommodation.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ibig sabihin limitado lang ito sa mga empleado ng gobyerno anuman ang employment status kabilang na ang mga nasa contract of service at job order employees ng mga ahensiyang nakipag ugnayan sa CSC Regional Office V.

Gayunman pinag aaralan na rin umano ngayon ng CSC ang posibilidad ng pagbubukas ng application para sa June 19, 2022 CSE- PPT sa mas maraming bilang ng mga nagnanais kumuha ng exam.