Mga swerteng dala ng Year of the Wood Dragon, tinukoy ng isang fortune teller sa Albay

LEGAZPI CITY – Kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese New Year, binigyang-diin ng isang fortune teller sa lalawigan ng Albayang mga buenas o swerteng dala ng Year of the Wood Dragon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Madam Bhabes, sinabi nito na kahit may mga lucky zodiac signs ngayong taon, parang lahat ay pumapabor ngayong 2024 dahil sa pinagsamang dragon at wood.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Aniya, ang mga zodiac signs na may dragon, nagdadala ng maraming oportunidad lalo na sa pinansyal, career, love life at sa mga relasyon, habang ang wood naman ay sumisimbolo sa mabilis na pagdami at pag-unlad.

Maliban dito, binigyang diin din niya na emerald green, red, yellow, blue ang mga lucky colors sa taong ito, kung saan, sinuman ang magsuot ng mga ganitong kulay ay magkakaroon ng swerte lalo na sa mga may negosyo, mga taong humihiling ng promotion sa trabaho, at iba pa.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sinabi rin nito na ang mga zodiacs na Sagittarius, Aries, Capricorn, Leo at Pisces ang pinakamagandang zodiac signs para sa taong ito.

Samantala, kahit pa maraming dalang swerte ang Year of the Wood Dragon, may mga dapat ding iwasan lalo na pagdating sa kalusugan sapagkat laganap ang sakit ngayong 2024.