90 na solar streetlights sa Tacurong, operational na

KORONADAL CITY – NA-INSTALL na ang 90 lahat na mga units ng Solar Streetlights sa Tacurong Public Market. Nasa P7-Million ang pondo na ginamit sa proyekto mula sa napanalunan ng lungsod kaugnay sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kasalukuyang gumagana ang nasabing mga street lights sa bahagi ng Ledesma Street, Mabini Street, at Bonifacio Street.

Nabatid na ito ngayon ay kasalukuyang programa ng lungsod na kanilang tinututukan sa layuning mapaliwanag ang mga daan sa lungsod tuwing gabi. Sa ngayong, inaasahan na makatulong ito hindi lamang sa mga naglalakat ngunit kabilang na ang mga dumadaan na mga sasakyan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan