Inspection at Calibration ginagawa sa mga gas stations sa Naga City

NAGA CITY- Nagkakaroon ng inspection at calibration sa mga gas stations sa Naga City. Ito ay para maprotektahan ang mga motorista sakaling may paglabag ang gasolinahan.

Aabutin ng ilang araw bago matapos ang inspeksyon sa 45 gas stations sa lungsod ayon kay City Councilor Joe Perez, Chairman ng Consumer’s Welfare Committee.  Layunin nito na matiyak na ang produkto ay tama sa sukat o quantity sa presyong isinisingil sa mga motorista. Gamit ang testing bucket sa pag check ng mga dispensing pumps kung tama ang inilalabas.  Sa unang araw, wala pa namang nakitang paglabag.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized
Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang hakbang ay dati na ring ginagawa sa Naga City sa pangunguna ng Naga City Price Coordination Council. Higit na kailangan ngayon lalo na’t sunod-sunod ang naging pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa at pandaigdigang