NAGA CITY- Naghihintay pa rin sa Health Emergency Allowance (HEA) ang mga empleyado ng Solid Waste Management Office (SWMO) sa Naga City.
Ang asistensyang ito ay hindi lamang sa mga health care workers, kundi pati na rin sa mga non-health care workers kagaya ng mga street sweepers na naging katuwang ng gobyerno sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga COVID centers sa panahon ng pandemya partikular na lamang sa pagkolekta ng mga COVID waste.
Sa pinaabot na hinaing sa Brigada News FM Naga ng asawa ng isang street sweeper, sila ay matagal nang naghihintay sa nasabing asistensya na kanilang pinagpaguran lalong-lalo na sa kasagsagan ng pandemya noong 2021-2022.
Sa panayam ng BNFM kay Engr. Joel Martin head ng SWMO, sinabing nasumite na nila ang mga hinihinging dokumento mula sa kanilang opisina at sila rin ay naghihintay pa ng update ukol dito.