LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag sa mga otoridad ang isang lalaki matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest para sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Ayon sa report, pinuntahan ng kapulisan ang lugar na kinaroroonan ng akusado na si alyas “Berto” upang ibigay ang warrant na pirmado ni Hon. Cherilee Alagaban-Alminana ng 2nd Municipal Circuit Trial Court, Bacacay – Malilipot 5th Judicial Region noong May 11, 2023 dahil sa nasabing kaso
Aabot din sa PHP60,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang akusado ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.