Sen. Bato handang i-withdraw ang COC kung tatakbo si Mayor Sara

Inamin ni Senator Ronald Bato dela Rosa na handa niyang i-withdraw ang kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo kung makapag-desisyon si Mayor Inday Sara-Duterte Carpio na sumabak sa 2022 Presidential Election.

Sa isang press conference,nilinaw naman ng Senador na hindi napag-usapan sa partido na siya muna ang pag-file ng COC habang hindi pa nakakapag-desisyon si Mayor Inday na tumakbo pagka pangulo.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Subalit naiintindihan umano ni Bato na posibleng mangyari ang ganitong scenario.

Sa kabila nito sinabi ni Bato na naniniwala ang PDP-Laban Cusi faction na kaya niyang ipagpatuloy ang mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya napili siyang standard bearer ng partido.

Read More:  Philippine peso hits historic ₱64 per dollar

Aminado naman ang mambabatas na biglaan ang desisyon ng partido para paghainin siya ng COC pagka-presidente noong Biyernes.