Mga simbahan sa Naga City venue ng bakunahan VS COVID-19 simula ngayong araw

NAGA CITY- Tuloy-tuloy ang bakunahan sa Naga City lalo na ngayong palapit na ng palapit ang Peñafrancia Festival, ang lokal na pamahalaan ay suportado ng simbahan sa hakbang na ito.

Sa Joint Statement nakasaad na simula ngayong araw Agosto 24 hanggang Set. 4, 2022 magiging venue ang simbahan sa bakunahan laban sa COVID-19, maliban pa ito sa SM City Naga.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang 50-anyos at pataas ay dapat na nakatanggap na ng 2nd booster dose habang ang 18-49 anyos naman ay dapat na naturukan na ng first booster, pati mga bata dapat bakunado.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa mensahe ng Archdiocese of Caceres na binasa ni Chancellor Rev. Fr. Darius Romualdo nakasaad na hinihikayat din ang mga LGUs na paigtingin ang pagbabakuna lalo na sa mga dadalo sa mga aktibidad sa Naga.