CNPPO patuloy na titiyakin ang tahimik at ligtas na pagbabalik eskuwela ng mga mag-a-aral sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Siniguro ng Camarines Norte Police Provincial Office ang kanilang patuloy na pagbabantay para sa tahimik at ligtas na pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral, magulang, mga guro at iba pang mga kawani ng paaralan

Itoy dahil sa muling implementasyon ng face-to-face classes matapos ang mahigit dalawang (2) taon din na nasa ilalim ng tinaguriang  “new normal” ang mga estudsyante at mga guro

Sa pagbubukas pa lamang ng ng klase nitong lunes ay nagdeploy na ang CNPPO ng mahigit 484 na kapulisan sa nasa 317 na paaralan na binubuo ng pribado at pampublikong paaralan dito sa probinsya ng Camarines Norte

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ang nasabing hakbangin ay ayon rin sa kautusan ni PRO5 Regional Director, PBGEN RUDOLPH BOTENGAN DIMAS na magtatag ng mga Police Assistance Desks (PADs) sa mga paaralan, ayusin at pamamahalaan ng maayos ang trapiko katuwang ng iba pang mga force multipliers lalo sa mismong mga paaralan at mga kalapit lugar nito,  sa mga matataong lugar at higit sa lahat sa mga terminal na talaga namang dinagsa ng mga tao.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Mas pinatibay at pinalakas rin ang isinagawang mobile at beat patrol maging ang paglatag ng mga COVID-19 Patrollers upang matiyak pa rin ang kaligtasan ng bawat isa laban sa sakit na COVID-19.

Ayon kay Provincial Director PCol Julius Guadamor, titiyakin nila ang buong kaligtasan ng lahat kung kaya’t talagang isinagawa natin at  ibinuhos ang pagtutok sa pagsalubong sa unang araw ng pasukan at sa mga susunod pang araw.