Tiniyak ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na malalaman at malalaman din ng publiko ang posisyon ng bawat senador hinggil sa isyu ng Charter Change (Cha Cha).
Ito ay matapos hamunin ni House Majority Leader at Zamboanga Jose Manuel “Mannix” Dalipe ang Senado na ilabas ang kanilang posisyon hinggil sa pag-update sa 37-year-old na Konstitusyon.
Ayon kay Pimentel, pagdating ng tamang panahon ay magkakaroon sila ng roll call or nominal voting dito.
Ngunit habang ‘di pa tama ang oras ay patuloy lang muna sila makikinig sa mga eksperto.
Dahil ayon kay Senador Sonny Angara ganun dapat ang tamang pagbabalangkas ng batas- makinig, makipag-debate at bumoto pagkatapos.
Samantala, kinwestyon naman din ni Senate Majority Leader Joel si Dalipe kung sino ba siya para hamunin sila.
#