Plano ngayon ng Philippine National Police na magtatag ng Cyber security desk sa mga police stations sa bansa.
Ito’y para laban ang tumataas na bilang ng cybercrimes.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, tatauhan ang mga cyber security desk ng mga pulis na may kasanayan sa pagtugon sa iba’t-ibang mga modus operandi sa internet.
Sa ngayon anya, ongoing ang training ng mga police investigator kung saan kada region ito ginagawa.
Samantala, sinabi rin ni Fajardo na plano rin ng PNP na magdagdag ng mga pulis sa ACG.
Kasama sa mga cyber crimes na tututukan ng ACG ang online scam at identity theft.
#