Ayudang bigas kada-buwan sa mga barangay frontliners sa Roxas, ibinigay na

Ibinigay na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang buwanang ayudang bigas ng mga Barangay frontliners sa Roxas, Isabela.

Umabot sa 1, 799 na binubuo ng barangay frontliners, mga may kapansanan, mangingisda at mga miyembro ng TODA sa nasabing bayan ang nabigyan.

Maliban dito, 932 DepEd personnel din mula sa bayan ng Jones at San Agustin ang nabigyan ng semestral rice subsidy.

Tiniyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan na maibabahagi sa mga susunod na araw ang bigas ng iba’t–ibang sektor sa iba pang bayan sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *