Mga sasakyang pandagat sa Camarines Sur, pinagbawalan munang maglayag dahil sa Bagyong Betty

CAMARINES SUR-Pinagbawalan munang maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Sur dahil sa Bagyong Betty.

Sa travel advisory ng Philippine Coast Guard nakasaad bawal munang maglayag o pumalaot ang mga 250 gross tonnage at pababa sa northern coast ng lalawigan habang pinag-iingat ang mga malalaking bangka sa malalaking alon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Mayo 27 at 28 may gale warning ang PAGASA.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PO1st Roderick Eclarinal ng PCG  Balatan sinabi nitong sa kanilang lokasyon sigurado ang epekto kung malakas ang hanging habagat. Inabisuhan ang mga mangingisda na huwag makipagmatigasan dahil hindi man tatama ang bagyo inaasahan ang pag-alon dahil sa hanging Habagat.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Una na nitong pinaalala sa mga mangingisda na laging magdala ng communication devices upang mabilis makahingi ng saklolo kung inaabot ng sama ng panahon.

Mababatid na ayon sa forecast ng PAGASA kahapon, sa mga susunod na araw ulan at hanging habagat ang mararamdaman sa Southern Luzon kasunod ng Bagyong Betty.