Mga sagabal na sasakyan sa Puerto Princesa, tiniketan!

Tiniketan ng Anti- Crime Task Force ang mga sasakyan na sagabal sa daan sa bahagi ng Barangay San Miguel, Puerto Princesa City.

Ito ay matapos na ireklamo sa Brigada ang abalang idinudulot ng mga behikulo malapit sa Barangay Hall.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Reklamo sa Brigada ng isang residente, hindi makapasok ang truck ng Solid Waste Management kaya natatambak ang mga basura sa lugar.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Hindi rin pinalampas ng ACTF ang mga motorsiklong illegal parking sa daanan.

Samantala, napag-alaman na ang mga may-ari ng ilang sasakyang na natiketan ay mga nangungupahan sa lugar.