Mga rice farmers sa So.Cot, nakatanggap ng cash assistance mula sa DA-12

KORONADAL CITY- NAMAHAGI ang Department of Agriculture o DA Region 12 ng Rice Farmers Financial Assistance o RFFA sa mga kwalipikadong mga magsasaka sa lalawigan ng South Cotabato.

Kabilang sa mga nakatanggap ng tig P 5,000 na cash assistance ay ang 2,229 na mga rice farmers sa bayan ng Surallah.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Nabiyayaan din ng pinansiyal na tulong ang 1,686 farmer-beneficiaries sa bayan ng Sto.Nino.

Sisimulan naman sa Miyerkules ang distribution ng financial assistance sa 2,843 na mga rice farmers sa bayan ng Norala.

Read More:  Two men gunned down at Davao del Norter gas station

Ang ipinamahaging RFFA ay mula sa excess rice tariff na nakolekta ng Bureau of Customs mula sa mga rice imports.