Bonus ng mga empleyado ng city government ng Koronadal, ipinasiguro

KORONADAL CITY – IPINASIGURO ni Koronadal City Treasurer Marloun Gumbao na may biyayang matatanggap ang mahigit 1,300 na mga empleyado ng city government.

Tinukoy nito ang bonus na nakasanayan nang ibigay sa mga empleyado tuwing Disyembre. Minabuti naman ni Gumbao na huwag nang idetalye ang halaga ng matatanggap ng mga ito.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Naniniwala kasi ito na sa kabila ng mga empleyadong marunong mamahala ng kanilang pera ay may iilan pa rin umanong ibinibenta agad ang kanilang bonuses sa oras na malaman nilang may matatanggap sila lalu pa kung alam na ng mga ito ang halaga.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng pagpapasiguro nito na may matatanggap ang mga empleyado ngayong buwan ay mas minabuti na lamang nitong huwag nang magbigay pa ng karagdagang impormasyon.