Mga rice farmers sa So.Cot, makakatanggap ng inbred rice seeds

KORONADAL CITY- ANIM na mga bayan sa lalawigan ng South Cotabato ang makakatanggap ng certified inbred rice seeds mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF ng Department of Agriculture o DA.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Kabilang sa mga LGU na may schedule ng delivery ngayong linggo ang Norala, Banga, Lake Sebu, Sto.Niño, Surallah at Tantangan.

Ngunit nilinaw ng DA 12 na ang final schedule ng distribution sa mga magsasaka ay nakadepende sa mga LGU.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Maliban sa mga binhi, mamamahagi din ang DA ng mga babasahin upang makatulong at makapagbigay ng gabay sa mga rice farmers.