Centenarian na mula sa Pioduran, Albay nakatanggap 150K cash gift

LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng P50K cash incentive at felicitation letter mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pamamagitan ng PSWDO ang isang Centenarian na mula sa bayan ng Pioduran Albay.

Kinilala ang Centenarian na lola si Gregoria D. Oxima ng nasabing bayan. Ang karagdagang cash incentive na ito ay inisyatiba mula ni Gov. Al Francis C. Bichara para kilalanin ang mga kontribusyon ng mga senior citizen sa lalawigan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ito ay bilang suporta sa pagpapatupad ng nilagdaang RA 10868 na kilala bilang “An Act Honoring and Granting additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians Act of 2016”, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pamumuno ng Gobernador sa pamamagitan ng PSWDO ay nagbigay ng Cash incentive sa buhay na sentenaryo ng lalawigan bilang pagkilala sa kanyang mahabang buhay. Maliban pa rito, nakatanggap rin ng P100K na ibinigay ng National Government sa pamamagitan ng DSWD. Samantala, nagsagawa ng pay-out sa 2 centenarians sa Tabaco at Legazpi City nitong nakaraang araw.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kinilala sina Lola Josefa B. Boncacas centenarian mula sa Barangay Baranghawon, Tabaco City at Lola Guadencia G. Briones mula sa Barangay Oro Site, Legazpi City.