Mga mommies sa buong bansa – nakatanggap ng ‘MAMA KITS’ mula sa Brigada Group at ESN products

Lumarga na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang ‘MOM’S LOVE – End Stunting Now Advocacy Symposium’ na inihatid ng Brigada NewsFM Philippines, katuwang ang Brigada Group of Companies.

Umaga pa lang – dumagsa na ang daan-daang mga ina, nagdadalang-tao, at mga bagong-silang sa mga venues na inihanda sa iba’t ibang mga barangay sa Pilipinas.

Pinangunahan ito ng mga Brigada NewsFM Stations mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Katuwang ang ilang mga doktor, mga kinatawan mula sa City Health Office, mga OB Gyne, barangay health workers, at ilang mga eksperto – tinalakay ang mga paksa para sa mga pamamaraan upang malabanan ang pagkabansot.

Layunin nitong matiyak ang kalusugan ng mga ina at mga anak – na may ‘end goal’ na matuldukan na ang itinuturing na ‘silent pandemic’ – ang stunting, ‘o ‘yung pagkabansot.

Makatatanggap naman ang mga dumalong mga ina ng mga maternity kits, ‘o ‘kung tawagin ay ‘yung ‘MAMA KITS’, para matiyak ang kanilang kalusugan.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

May laman itong mga mahahalagang kagamitan ng mga ina, at ang MOM’S LOVE ES1 capsule na magiging katuwang nila para sa kanilang healthy na pangangatawan.

Ang adbokasiyang ‘End Stunting Now’ ay inilunsad ng Brigada Group sa pamamahala ng Brigada Foundation Inc., noong nakaraang taon bilang inisiyatibo para tuldukan ang stunting o pagkabansot sa Pilipinas at bilang kontribusiyon ng kompanya sa pag-unlad ng bansa.