Mga residente malapit sa Bicol River , pinaaalerto

NAGA CITY –Pinaalerto ang mga residenteng nasa High Risk Areas dahil sa ulang dala ng Shearline.

Ang Camarines Sur ay naka Blue Alert Status din sa binabantayang LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility. Kabilang sa mga nakaantabay ang MDRRM Milaor na isa sa mga bahaging bayan sa lalawigan, maraming mga residente ang nasa may Bicol River at delikado sa pagbabaha.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan
Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay Olitoquit, nakaalerto sila sa buong magdamag lalo na ang rescue team para agad na mag responde sa anumang mangyayari. Sa ngayon paabot-abot lamang ang ulan sa Camarines Sur.