Macalintal, naghain ng 2nd motion sa SC para sa resumption ng Brgy, SK polls prep

Muling hiniling ni election lawyer Romulo Macalintal sa Supreme Court (SC) na atasan ang Commission on Elections (Comelec) na muling simulan ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections, para matiyak na matutuloy ito sa May, 2023.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Macalintal na naghain siya sa SC ng kanyang ikalawang motion to issue TRO, para sa naturang layunin.

Read More:  Luistro says VP Sara camp may struggle in Senate impeachment trial

Matatandaan na noong Oktubre, hiniling ni Macalintal sa SC na ipawalang bisa ang Republic Act 11935.

Sa ilalim kasi ng naturang batas, ang lahat ng mga incumbent barangay at SK officials ay kailangang magsilbi hanggang sa mahalal ang papalit sa kanila sa susunod na taon, maliban kung matatanggal o masususpende ng mas maaga dahil sa ilang dahilan.

Read More:  ₱56.6M shabu seized at NAIA; Two Filipinas arriving from Cambodia arrested

Mababatid na ang barangay at SK elections ay dapat isinasagawa kada ikatlong taon.

Giit nito, na walang kapangyarihan ang Kongreso na ipagpaliban ang pagsasagawa ng barangay elections at palawigin ang termino ng mga kasalukuyang opisyal. //MHEL PACIA