Mga pupunta sa Juban, Sorsogon na galing sa labas ng Bicol, hihingan ng negative Antigen test results

SORSOGON CITY—Hihingan na ng negative Antigen test results ang mga indibidwal na magtutungo sa Juban, Sorsogon na magmumula sa labas ng Bicol region.

Ito ay base sa abiso ng Municipal Health Office sa gitna ng muling pagpapalikas sa mga residenteng apektado sakaling muling magbuga ng abo ang Bulkang Bulusan.

Sa pahayag sa Brigada News FM Sorsogon ni Dr. Gizzelle Golda Labalan, RHU physician, epektibo ang kautusan simula kahapon, June 10 at ipatutupad ito hanggang walang panibagong kautusang inilalabas ang MHO.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Kinakailangan na ang ipipresentang negative antigen test results ay pasok pa sa 72 oras bago ang pagdating sa bayan ng mga indibidwal o grupong magmumula sa ibang rehiyon.

Kabilang sa mga inaabisuhan ang mga kagawad ng media at maging ang mga magpapaabot ng ayuda sa mga evacuees na mula pa sa labas ng rehiyon bilang bahagi na rin ng pag-iingat sa kalagayan ng mga residenteng apektado ng pag-alburuto ng bulkan.

Sakali mang walang negative antigen test results ay maaaring ipakita ang vaccination card bilang patunay na sila ay fully vaccinated o kaya naman ay nakatanggap na ng booster dose laban sa COVID-19. Pero hindi sila papayagang magkaroon ng direktang contact sa mga evacuees.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Parte ito ng pag-iingat laban sa COVID-19 lalo pa at wala nang aktibong kaso ng sakit ang bayan ng Juban sa loob ng dalawang buwan.

Inaabisuhan din ang mga magpapaabot ng tulong na makipag-ugnayan sa Juban LGU o sa MDRRMO para sa sistematikong pamamahagi ng ayuda.###