Sumandal ang Golden State Warriors sa kanilang main man na si Steph Curry para itabla sa 2-2 ang NBA Finals series laban sa Boston Celtics, 107-97.
Uminit si Curry sa huling quarter ng Game 4 na nagtala ng 40 puntos sa kabuoan.

Lumalamang pa ang Celtics sa unang bahagi ng 4th quarter subalit biglang nagpakawala ang Warriors ng 15-6 run.
Nag-ambag para sa mga bataan ni coach Steve Kerr si Andrew Wiggins sa kanyang 17 points at 16 rebounds habang 18 points naman ang naitala ni Klay Thompson.
Sa panig ng Celtics nanguna si Jayson Tatum sa kanyang 21 points habang 18 points na nakuha si Jaylen Brown.
Samantala babalik naman sa home court ng Golden State ang Game 5 na magaganap sa Martes, June 14, oras sa Pilipinas.