Maaari nang magpatala sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga public transportation workers na nais magpabakuna kontra corona virus disease.
Ito ay para maisama sa mga schedule na ibibigay ng mga babakunahan dahil araw-araw ay iba-ibang tao ang nakakasalamuha ng mga nasa PUV.
Ayon LTFRB Region 3 Legal Assistant Jess Sison, kasama rin dito maging ang mga helper at konduktor.
Sa mga nais magpabakuna ay maaaring makipag-ugnayan sa opisina ng LTFRB sa Pampanga o kaya naman ay magparehistro online.
Link: https://bit.ly/3pn84Ow
//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
