Hindi umano dapat magpanic sa sinasabing bagong Delta plus variant na binabantayan ng mga eksperto sa United Kingdom.
Ayon kay Dr. Edsel Maurice Salvaña, isang infectious disease specialist matagal na umano nilang nababalitaan ang ‘delta plus’.

Subalit sa ngayon hindi pa naman ito masasabing formal variant.
Kailangan pa umano itong pag-aralan at hindi dapat maging dahilan para magpanik.
Nabatid na sinani ng Health Security Agency sa UK na 6% ng mga generated sequence ay mula sa sub-variant na AY 4.2 subalit hindi pa naman ito under investigation o variant of concern.