MIAA, aminadong may mga kakulangan sa NAIA

Bukas ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa naging resulta ng isang pag-aaral kung saan kabilang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga worst airport sa bansa.

Ayon kay MIAA public affairs department head Ma. Consuelo Bungag, wine-welcome nito ang puna at opinyon ng mga travelers.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Aminado rin aniya ang ahensya na bagamat may mga lounges sa paliparan, talagang kulang ang mga ito.

Gustuhin man daw nila na magkaroon ng mas maraming lounges, constrained pa raw sila sa ispasyo.

Samantala binigyang-diin ni Bungag sa kabila ng problemang ito, nasa maayos na kalagayan naman ang aircon sa mga terminal.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa huli, tiniyak ng opisyal na hindi sila titigil sa pagpapabuti ng lagay ng paliparan.

Matatandaang nakuha ng NAIA ang ika-4 na pwesto sa mga worst airport sa Asya.