Mga propesyunal at batikang bicolanong director naging bahagi ng isinagawang 3 araw na Film Tourism Workshop sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Matagumpay na naidaos ang 3 araw na Film Tourism Workshop na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Tourism Operations Office at pakikiisa ng Cinecamnorte

Ang nasabing workshop ay sinimulan nitong ika-18 ng agosto at nagtapos nitong sabado ika-20 ng Agosto 2022 sa Little Theater ng Provincial Capitol, Daet Camarines Norte.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang nasabing gawain ay pinasinayahan ng mga propesyunal at batikang mga Bicolanong direktor na nagbahagi ng kani-kanilang kaalaman, talento at galing sa larangan ng pagsulat at pelikula.

Kabilang sa mga direktor na nagsilbing panauhin ay sina Direk Vince Ricafrente, Direk Arjanmar Rebeta at Direk Levilou Corpuz.

Sa mensahe ni Provincial Tourism Operations Officer Mr. Bong Palma, sinabi nito na ang Provincial Tourism Office at Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Dong Padilla ay naging mga instrumento lamang para hipuin ang buhay at mamulat ang mga kalahok sa gawain sa larangan ng sining, pagsulat at pelikula at buksan sa kanila ang malawak na mundo sa larangan na puno ng mga pangarap at oportunidad.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod