CAMARINES NORTE- Nagdaos ng Seminar on Frontline Customer Service ang depatmeng of Trade and Industry noong Biyernes na ginanap sa Mayor’s Office Conference Room, Municipal Building, Brgy. Poblacion sa Capalonga, Camarines Norte.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nangyari ang naturang seminar sa pamamagitan ng Negosyo Center.
Tinalakay ni Ginoong. Nico D. Ruz – Business Counselor ng Negosyo Center sa naturang bayan ang iba’t- ibang paksa tulad ng Business Advisory, registration at Information and Advocacy.
Layunin ng aktibidad na mapabuti, mapalakas at makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa mga may potensyal na negosyante tungkol sa pagnenegosyo at kung paano ang maayos na pakikitungo sa mga iba’t ibang uri ng mamimili.
Pinasalamatan naman ni Senior Administrative Assistant Robinson E. Ricasio ang mgga kalahok sa naturang seminar.
Tiniyak din nito na palaging nakasuporta ang LGU sa pagpapalago ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa naturang bayan.
