95 anyos na lolo patay, matapos na mabundol ng isang hauler sa bayan ng Labo Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nasawi sa isang insidente ng pagkakabundol ang isang 95 anyos na lolo sa Maharlika Highway, Brgy. Talobatib, Labo, Camarines nitong nakatalikod na byernes banddang alas 6:40 ng gabi

Ang biktima ay nakilalang si Tito Yaneza y Villagracia, isang senior citizen at residente ng P-5 Brgy Talobatib, Labo samantala ang suspek ay kinilalang si alyas MAKMAK, 34 anyos, isang construction worker at residente ng P-1 Brgy.  San Jose, San Vicente

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Batay sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng nasabing himpilan diumano, habang ang nasabing biktima ay tumatawid ng kalsada sa harap ng kanyang bahay ay aksidenteng nabangga ito ng isang Hauler na Honda motorcycle CB125 na kulay itim na minamaneho ng nabanggit na suspek/driver.

Dahil dito ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima at agad na isinugod sa Labo District Hospital ng mga miyembro ng MDRRMO Labo para magamot.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Sa kasamaang palad, habang ginagamot sa nasabing ospital ay namatay ang biktima at idineklarang patay ng Attending Physician bandang 7:20 na gabi sa parehong petsa.

Samantala, ang nasabing suspek at hauler nito ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.