Mga programa ng DSWD-12 tuloy sa kabila ng election season

KORONADAL CITY — MAGPAPATULOY ang implementasyon ng mga regular program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 sa kabila ng election season ngayong taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay DSWD-12 Regional Director Restituto Macuto, nilinaw nito na hindi rason ang eleksiyon upang maapektuhan ang mga programa ng ahensiya.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Nilinaw nito na ang mga bagong programa lamang ng ahensiya ang ipinagbabawal ng Comelec ngayong panahon ng eleksiyon.

Dagdag pa nito, na madalas may exemption ang ahensiya sa mga ipinatutupad nilang programa upang matulungan ang mga nangangailangan.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Nabatid, na nagpadala na ng sulat ang DSWD Central Office sa Commission on Elections o COMELEC upang payagan ang ahensya na makapag-sagwa ng programa ngayong election season.