Mahigit 5k mga enumerators ng PSA, handa nang libutin ang mga probinsya sa Bicol ngayong buwan

BNFM Bicol- ISASAGAWA nang mahigit 5k enumerators ang Population Census (PopCen) Community-Based Monitoring System (CBMS) mula Hulyo 15 hanggang Setyembre 16 sa 8,164 enumeration areas na nasasakop ang 3,471 na barangay sa anim na lalawigan ng rehiyon.

Ayon kay PSA Regional Director Cynthia Perdiz, magsasagawa ang nabanggit na enumerators ng panayam na tatagal ng 45 minuto na kung saan ang mga maiipon na sagot ay magiging basehan kung sino ang mga karapat-dapat maging benepisyaryo ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at kasabay namang magiging update sa bilang ng mga botante para sa 2025 midterm elections.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation
Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Nilinaw naman ni Perdiz na required magbigay ng detalye ang mga pamilyang Bicolano sa census ng populasyon habang voluntary naman ang pagsagot sa CBMS. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from PSA