LEGAZPI CITY – Naniniwala ang Department of Education (DEPED)Bicol na mga pribadong paaralan ang nakapagsumite sa Central Office bilang nominees para sa limited face to face classes ngayon school year 2022.
Ayon kay Mayflor Jumamil, ang Regional Spokesperson ng nasabing tanggapan, inaasahang nito na mayroong pribadong paaralan ang maaprobahan ng Deped Central Office ang magsasagawa rin ng face to face classes ngayon school year.
Maaari umanong nakapagbigay na rin ito ng mga dokumento sa ahensya bilang mga requirements na nagsasabi na nakahanda na rin ito sa implementasyon sa face to face classes.
Posible rin umano ang mga eskwelahan sa nasabing rehiyon ay mga ginawa na rin ang mga ito ng preparasyon para sa pagbabalik eskwela bastat susundin ng mga ito ang ipinatutupad na guidelines sa bansa laban sa covid 19.
Sa Bicol Region umaabot sa 629 ang kabuuhang bilang ang nag-operate na pribadong paaralan.
Dagdag pa nito, mayroon din dapat na continuity plan na inihanda ang pribadong paaralan sakaling magkaroon ng positive sa covid 19 ang lugar.
Sinabi ng opisyal, inaasahan din nito na mayroong makakasabay na private schools na limited face to face classes para sa 2022.