Lorenzana, itinanggi ang martial law rumors dahil sa COVID-19 surge

Itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga umuugong na balita sa social media na magpapatupad ng martial law sa bansa bilang tugon sa surge ng bagong mga COVID-19 cases.

Binigyang diin ni Lorenzana na walang sapat na dahilan para magdeklara ng martial ang pamahalaan. Tinawag ding fake news ni Lorenzana ang mga umuugong na balita.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Giit ni Lorenzana, ang naitalang mahigit 17,000 na mga bagong COVID-19 cases kahapon ay di hamak na mas mababa kumpara sa 26,000 record high noong 2021.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Nilinaw din ni Lorenzana na ini-evaluate pa ng IATF ang sitwasyon para sa posibleng pagpapatupad ng mas mahigpit na restrictions sa National Capital Region pero tiyak aniyang hindi naman total lockdown ang mangyayari.