LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag pa sa mga kapulisan ang binata matapos matiklo sa ikinasang buy bust operation sa P-2, Brgy. San Joaquin lungsod ng Legazpi.
Kinilala ang suspek na si Joey Marbella Adivino, 33 anyos, isang photographer, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report, hapon ng magsagawa ng Anti-illegal Drug Operation sa nabanggit na lugar nang pagbentahan nito ang poseur buyer ng isang pinaniniwalaang shabu sa halagang P1500.
Narekober sa kanya ang isang pirasong plastic sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu at pera na ginamit sa buy bust operation.
Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon at inihahanda na rin ang kasong isasampa rito na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.