Mga pinapa-alis dahil nakakaharang sa kalsada sa road clearing operation, huwag nang bumalik, – City Councilor

NAGA CITY – Nakiki-usap ang isang Konsehal sa lungsod ng Naga, na ang lahat na pinapa-alis sa nagpapatuloy na road clearing operation ng Lokal na Pamahalaan, kasama ang Naga City Police Office at Public Safety Office, lalo na ang ilang street vendor, na huwag nang bumalik pa sa pwesto.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Konsehal at Liga President ng mga barangay, Ma. Corazon Peñaflor, pwedeng magtinda hindi lang sa mga kalsada, lalo na sa sidewalk o daanan ng mga tao, at hindi dapat nakakaharang, dahil maging ang mga sasakyang nakakaharang sa daan hindi pinapalampas.

Maliban kasi sa kailangang magka-isa sa kaayusan sa kalsada, sinisiguro ang kaligtasan ng bawat dumadaan sa mga sidewalk lalo na’t minsan may mga kalat-kalat na mga basura o anu pa man.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kaya panawagan muli nito kahit may mga barangay na sumusunod, makipagtulungan pa rin ang iba para sa maayos na kalsada.