Nakatakdang bisitahin ng Embahada ng Pilipinas ang 18 Pilipinong tripulante na sakay ng isang oil tanker na kinubkob sa Gulf of Oman sa weekend.
Ayon kay Foreign Affairs Usec. for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, ang naturang mga Pilipino ay kasalukuyang nasa bahagi ng Tehran.
Paglilinaw ni De Vega, hindi mga armadong grupo ang kumubkob sa mga Pinoy na sakay ng oil tanker na St. Nicolas – kung ‘di ang mismong navy ng Iran.
May kaugnayan umano kasi barko sa court order ng Iran kung saan ginamit ito noon para magdala ng langis sa ibang bansa sa kabila ng pagpapatupad ng export ban.
Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Iran para sa tuluyang pagkakalaya ng 18 Pilipinong tripulante.