Mga Pilipino sa Gaza posibleng makatawid na sa Egypt

Tiniyak ng Israel na posibleng makatawid na ang mga Pilipino mula Gaza papuntang Egypt ngayong araw.

Sinabi naman ng Philippine Embassy sa Jordan na nakumbinsi na ang walong Pilipino na bumalik ng Gaza at naghihintay na lang ng pagkakataon para makalikas ng ligtas.

Ayon kay Ambassador Wilfredo Santos, 115 sa natitirang 134 na Pilipino sa Gaza ang desididong lumikas ngunit dahil Pitong Libo lahat ang Foreign nationals na kailangang mag-evacuate kaya tinatayang lagpas sampong araw bago makalabas lahat.

Umaasa naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patatawirin na ang mga Pilipino matapos ang ilang pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *