MGA PATAKARAN AT MGA BAWAL BITBITIN SA PAGTUNGO SA SEMENTERYO IPINAALALA NG LGU DAET

CAMARINES NORTE- Hinikayat ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng Daet ang publiko na gawin ng mas maaga ang pagdalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay

Kaakibat rin nito ang pagpapaalala sa mga patakaran at maging ang mga bawal na bitbitin sa loob ng sementeryo

Sa pamamagitan ng Daet Emergency Operations Center, pinaalalahan nito ang publiko na mahigpit na sundin ang health safety protocols partikular na ang pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing at hindi pinahihintulutan na magtungo sa mga sementeryo ang mga nasa edad 18 anyos pababa at 65 anyos pataas

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Habang ipinagbabawal ang pagbitbit ng mga baril at matutulis na bagay gayundin ang pagdadala ng alak o nakalalasing na inumin , iligal na droga at pagsusugal

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Una ng nagpalabas ng executive order si Camarines Norte Govenor Edgardo Tallado ng pansamantalang pagsasara sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa buong lalawigan mula sa mga petsang October 29 hanggang November 2, 2021