Kinagiliwan ng netizens ang viral post ng isang Mexican Tiktoker na makikita ang isang kakaibang tagpo ng pamilyang namamasyal sa isang kalsada sa bansang Mexico.
Hawak-hawak ng Ama ang kamay ng kaniyang anak habang karga-karga nito ang kanilang alagang gray pit bull habang si Nanay naman ay nasa likod, tulak-tulak ang isang stroller na imbes ang kanilang anak ang isakay, karton ng mga pinamili ang sakay.
Dahil nga binuhat ng Ama ‘yung alagang aso tanong ng isang netizen: “Maybe dog is sick?”
Sa ngayon ang naturang viral video ay pumalo na sa 4.7 million views at halos 6K comments. ### Nico Merciales, Intern
Screen grab from (@lega819) tiktok post.