Mga pasaporte at iba pang papeles, nadiskubre sa Porac POGO

Marami pang natagpuang mga kagamitan ang mga otoridad sa nagpapatuloy nilang paggalugad sa POGO sa Porac, Pampanga.

Ilan sa mga namataan ay ang GPS trackers sa loob ng umano’y opisina ng POGO boss.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Mayroon ding natapuang mga vaults sa workstation ng mga POGO hub workers.

Bukod pa riyan, nagalugad din ang Philippine Passport, at Alien Certificate Registration ng isang Chinese worker.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Samantala kahapon, matatandaang ibeberipika ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kung talaga bang uniporme ng Chinese Army ang natagpuan sa ni-raid sa naturang establisyimento.