Tila mas magiging mahaba raw ang flag ceremony kung idadagdag pa ang Bagong Pilipinas Hymn and Pledge.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Teachers’ Dignity Coalition National Chair Benjo Basas, sinabi nitong marami nang kinakanta at binibigkas ang mga estudyante sa flag rites.
Maliban kasi sa pag-awit ng Lupang Hinirang, mayroon pang mga Panatang Makabayan, announcement, prayer, at iba.
Isama pa raw rito ang oras ng pagpapapila sa mga mag-aaral, exercise, at iba pang performance kung mayroon man.
Naniniwala si Basas na kung idadagdag pa ang kautusang Bagong Pilipinas Hymn and Pledge mas hahaba pa ang naturang seremonya.