Mga pasahero – patuloy ang pagdagsa sa iba’t ibang mga terminal para sa long weekend

Long weekend na naman kaya dagsa na sa iba’t ibang terminal ang mga pasahero na pauwi sa kani-kanilang probinsya.

Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, patuloy ang pagdating ng mga pasahero para umuwi o di kaya ay magbabakasyon.

Sa pinakahuling update ng PITX, as of 11 am umakyat na sa mahigit limamput isang libo na mga pasahero ang dumagsa na sa terminal.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Mahigpit naman ang isinasagawang security inspection sa mga bagahe pati na rin sa mga pasahero.

May nakalatag din na police assistance desk at mga K-9 units para sa karagdagang seguridad.

Read More:  Malacañang hits Erice’s claim that Marcos cannot jail Romualdez

Wala pa namang namomonitor na fully booked trips ang pamunuan kaya’t normal pa ang sitwasyon sa lahat ng ticketing booth.

Inaasahan na aabot sa mahigit 170,000 na mga pasahero ang dadagsa ngayong araw sa PITX.