DFA – pinaalalahanan ang mga Filipino seafarers na maaari silang tumanggi na ma-deploy sa Red Sea

Hinimok ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino seafarer na gamitin ang kanilang karapatan na tumanggi sa paglalayag para sa kanilang kaligtasan.

Kasunod ito ng serye ng mga pag-atake ng Houthi sa mga barkong lumalayag sa Red Sea.

Read More:  ATOM condemns  Cayetano’s repeated use of ‘Laban’ sign at INC EDSA rally

Sa abiso ng DFA, idiniin nilang mayroong right to refuse ang isang tripulante lalo na sa lugar ng kanilang deployment.

Read More:  House prosecutors seek prayers ahead of Sara Duterte impeachment trial

Anila – palala nang palala ang conflict sa Red Sea at malinaw na banta ito sa mga seaferers na doon ang daan.

Kung maaalala – kare-rescue lang sa 23 mga Pilipino matapos ang recent attack sa may Yemen.