QC CESU kinumpirmang wala pang nagpo-positibo sa mpox mula sa mga close contacts ng 33-y.o. 10th case

Patuloy pa rin ang monitoring ng Quezon City – Epidemiology and Survellance Unit (CESU) sa mga naging contacts ng ikasampung mpox case na nagawi sa kanilang Lungsod.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay QC CESU chief Dr. Rolly Cruz, sinabi nitong 28 ngayon ang naka-quarantine, habang ang iba naman ay naka self-monitoring lang.

Read More:  ‘Hindi puwedeng nagkukuya-kuyakoy lang tayo,’ Malacañang says after ‘sea of trash’ emerges

Mula sa mga close contacts, pito lang ang mga taga-Quezon City, kaya naman ang natitira’y ililipat na sa kanya-kanyang LGUs para sa monitoring.

Read More:  BIR extends tax filing deadline amid Habagat, eBIRForms issues

Sa ngayon, wala pa naman daw nagpapamalas ng mga sintomas ng mpox sa mga pinaka-close contacts ng pasiyente.

Muli namang nabanggit ni Cruz na pahirapan pa rin ang contact tracing lalo na’t mali-mali raw at kulang-kulang ang impormasyon na ibinigay sa kanila.