Mga parokya ng Diocese of Legazpi, handa na sa nalalapit na Semana Santa

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang iba’t ibang mga parokya ng Diocese ng Legazpi City para sa nalalapit na Semana Santa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Father Rex Arjona, spokesperson ng Archdiocese of Legazpi, sinabi nito na handa na ang 52 parokya ng lungsod sa Semana Santa na isa sa kanilang hinihintay at pinaghahandaan taun-taon.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Dagdag pa nito, simula Palm Sunday o Linggo ng Palaspas hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday ay mayroong mga akitibidad na isasagawa ang mga parokya sa lungsod.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Ayon sa kanya, mahalaga ang pakikiisa ng mga Katoliko sa mga akitibidad ng simbahan ngayong Semana Santa para sa pisikal at ispiritwal na aspeto. | Brigada Intern EUGENE ROTIAN