Kaso ng dengue sa buong Zambales tumaas ng 16.5%

Tumaas ng mahigit labing-anim na porsyento ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Zambales.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, mula January hanggang June 11 ay nakapagtala na ng 744 cases mas mataas kung ikukumpara sa 653 nakaraang taon.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa kabila nito, bumaba naman umano ang kaso sa mga bayan maliban na lamang sa bayan ng Subic.

Dahil dito, puspusan ang pagsasagawa ng fogging operation sa nabanggit na bayan matapos makapagtala ng mahigit 70 cases.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa ipinatawag na pulong ni Bueno sa mga Municipal Health Officers kasama sa kanilang pinag-usapan ang sitwasyon ng probinsiya sa dengue pati rin ang pag-uulat nito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO