NAGA CITY – Nanganganib na naman sa pagbabaha ang mga taniman sa upper barangay ng Naga City dahil sa patuloy na pag-uulang nararanasan sa lungsod mula pa kahapon.
Bagamat mahina ang ulan subalit posibleng magdala na naman ito ng perwisyo sa mga taniman at mga gulayan tulad ng sa maisan at mga palayan .
Kaugnay nito, nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si Punong Barangay Domingo Ramos at nabanggit niya na tiyak na madagdagan na naman ang mga taniman at gulayan na unang naperewisyo ng ulan at baha, kung magtutuloy-tuloy ang ganitong panahon.
Wala naman anyang malakihang pagguho ng lupa at pagbabaha subalit inabisuhan niya pa rin ang mga residenyte niya na maging alerto, lalo na sa gabi, kung magpapatuloy ang ganitong pag-uulan na naman.