Mga pamilyang benepisyaryo ng livelihood program ng LGU-Naga mino-monitor dahil sa utang sa METROPESO

NAGA CITY – Mino-monitor ngayon ng Naga City Population and Nutrition Office ang mga pamilyang benepisyaryo ng iba’t-ibang livelihood program ng City Government dahil sa ang iba sa mga ito ay posibleng may utang pa rin sa Metro Naga Public Employment Service Office , ayon kay Alvin Villacruz, ang program coordinator ng naturang opisina.

Sa panayam kay Villacruz ng Brigada News FM Naga, sinabi nitong maraming pamilya ang natutulungan sa ilalim ng livelihood program na ngayon ay inaalam nila ang status kung ano na ang nangyari, kung nagagamit ba ng mga kagamitan at materyales na ibinigay nila, o kung binabayaran ba ang utang sa MetroPESO kung nag negosyo ba o hindi.

Lahat ng ito ay kailangan na malaman nila para matiyak na hindi naman nasasayang ang tulong ng lokal na pamahalaan sa pamilyang kanilang benepisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *