Mapipiling tricycle driver sa Goa, Camarines Sur, mananagot- GTMO

CAMARINES SUR — Inirereklamo ngayon ng ilang commuter sa bayan ng Goa, sa Partido Area, ang ilang mapipiling tricycle driver na hindi nagpapasakay ng pasahero lalo na kung mag-isa lamang ang sasakay o nag-aabang.

Kaugnay nito, ayon sa Goa Traffic Management Office (GTMO), bagaman ito na ang reklamo ng ilang pasahero sa nasabing bayan noon pa man, ang dapat aniyang gawin ng mga ito ay kunan ng picture ang plaka, i-report sa pinakamalapit na traffic enforcer o pumunta sa opisina upang maaksyunan ito at hindi na maulit pa.

Binalaan rin ni GTMO Head, Neo Pitallano, ang mga tricycle driver na mataas kung magsingil at mapipili sa pasahero na huwag nang maghintay pang masita o ma-ticketan, lalo na at pinapanday na rin ng lokal na gobierno ang mas mahigpit na hakbang upang hindi na ulit ito mangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *